Showing posts from February, 2024
B. Pagsusuri sa mga Pahayag Inulat kung tama o mali ang pahayag sa bawat bilang ayon sa binasang akda. ___ 1. Ang makakita ng isang uwak sa gitna ng daan ay isang masamang pangitain. ___ 2. Isang matandang kubang papilay-pilay ang dumating nang hindi inaasahan sa pagdiriwang ng cañao. ___ 3. Ang pagdiriwang ng cañao ay isinasagawa lamang upang magkaroon ng masaganang pag-aani. ___ 4. Ang pagpatay ng kalabaw ay naging isang masayang pangyayari sa pagdiriwang ng cañao. ___ 5. Ang pamilya ni Lifu-o ang nanguna sa pagkakaroon ng pagdiriwang ng cañao. ___ 6. Mabilis at tahimik na isinagawa ng mga katutubo ang pagdiriwang ng cañao. ___ 7. Ang matandang kuba mismo ang naging punong halamang ginto sa kuwento. ___ 8. Kinalugdan ng mga anito at ng diyos ang mga panalangin at alay ng mga katutubo kaya dininig nila ang kahilingan ng mga tao lalo na ng pamilya ni Lifu-o. ___ 9. Naging mayaman na sana ang mga katutubo lalo na ang pamilya ni Lifu-o kung sinunod lamang nila bilin ng matandang kuba. ___ 10. Sa kabuuan ay naging matagumpay ang pagdiriwang ng cañao sa pangunguna ng pamilya ni Lifu -o. ​
Load More That is All